Pananaw sa Banyagang Wika (At Pag-Iyak sa Jejenese)

 

Lumaki akong naririnig ang mga sipi *wooh~ deep~* ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, patungkol sa pagmamahal natin sa ating sariling wika.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda

(One who does not treasure his own language
is worse than a beast and putrid fish)

*ouch* Mejo tinamaan ako. Hehe. Kasabay ng makabagong panahon ang madalas na nating paggamit ng wikang Ingles. Napapansin ko sa mga kabataan ngayon, lalo na yung mga ipinanganak sa mayamang pamilya eh parang mother tongue nila ang wikang ingles. Tapos, sa mga office workers, lalo na para sa mga matataas na posisyon, karaniwang naghahanap ang mga employer ng marunong magsalita ng ingles, yung kahit conversational english ba.

Hindi ko naman sinasabing lahat ng pilipino na nagsasalita ng banyagang wika eh “higit pa sa hayop at malansang isda”, as per our National Hero. O dini-diskrima ko yung mga taong nagsasalita ng ingles. Ako lamang ay napapaisip at nais ko lang namang ibahagi ang pagkakaroon ko ng complex sa banyagang wika na ito.

Kwento ko lang din, kaya ko pala naisipang isulat itong blog post na ito kasi nakakita ako ng post sa Facebook ng isang kaibigan. Ang post nya ay komento patungkol sa bagong administrasyon ni Pangulong Digong Duterte. Magaling syang mag ingles (hence, my complex. I find my english skills somewhat lacking compared to others). Nasa wikang ingles ang komento nya, bigla akong napaisip. Gaano ba kaimportante yung mga salitang banyaga at bakit kailangan natin itong matutunan?

Talk to the heart

Tulad nga ng sabi ko, hindi naman natin maipagkakaila na kailangan nating makiaayon sabay ng pagunlad ng bansa. Sa panahon kasi ngayon, may malaking papel ang mga foreign investors para sa ating bansa. Kung ako nga lang eh, gusto kong matuto pa ng ibang lengguahe (tulad ng hangul or nihongo~ hehe~). So tayo na Pilipino, na kilalang mga hospitable people, eh inaaral ang pananalita at lengguahe ng mga banyaga para makapag communicate ng maayos sa kanila. Hindi lang ingles ha, japanese, chinese, korean at kung anu-ano pa.

Ang hindi ko lang kasi maintindihan ay yung social status discrimination at intellectual level discernment ng mga taong kaya o hindi kayang makapagsalita ng ibang wika. Ginagawa itong sukatan ng pagiging matalino, sosyal o mayaman. Porket marunong mag ingles o magsalita ng ibang lengguahe ay automatic na matalino o mayaman agad? Hanggang hanga tayo sa mga pilipino na marunong ng banyagang salita. Kaya madaming nagta-trying hard na mag ingles kahit na hindi naman nila kaya para lang magmukang sosyal, matalino o may masabi lang gamit ang ibang wika to fit in.

Teka… O baka naman tayo (ako) lang tong masyadong judgemental. Baka naman kaya silang nagpipilit mag-ingles eh gusto nilang matuto o mahasa pa. Pinaninindigan ang kasabihan na “Practice makes perfect.” Tapos pinangungunahan na agad natin sila ng mga panlalait sa spelling at grammar errors. Ay ewan. Depende na lang siguro ung sa tao. Meron kasi na pinuna lang ng kaunti eh magri-retaliate agad ng mas masakit na salita. Yung mga taong sila na nga nagkamali sila pa magagalit. Ooopss.. Teka, nalilihis ata ako. Hahaha. Iba na ata yung dinadaanan ng utak ko.

Anyway, dito sa Pilipinas, madami tayong mga dialect sa bawat region. Bukod sa mga dialect na yun eh meron din ditong pop-culture phenomenon na nakakapag pa kunot ng noo at nakakapag pa iling ng ulo ko. Kung pilipino ka. Malamang alam mo kung ano ang “jejemon”. Nakakloka, I tell you. Naloloka ako sa kanila. Haha. Ayon kay wiki, ang isang jejemon ay:

Jejemon (Tagalog pronunciation: [ˈdʒɛdʒɛmon]) is a pop culture phenomenon in the Philippines. According to Urban Dictionary, a Jejemon is a person “who has managed to subvert the English language to the point of incomprehensibility.

Ang tawag sa pananalita nila ay Jejenese samantalang ang tawag sa mga gumagamit nito ay mga Jejemon. Inabot ko kasi yung kasikatan ng pop-culture na ito. Jusko, halos kalahati sa mga kaibigan ko noon eh gumagamit nito. Naalala ko pa noong nasa eskwela pa ako. Uso ang texting kesa sa calls. Wala pang viber, line, facebook o kakao talk, SMS lang ang meron. So, kapag may school project kami at kailangang kontakin yung kasama ko nakakatanggap ako ng ganitong reply:

00, w41+ 74n6. m474p1+ n k~m1.

(Oo, wait lang. Malapit na kami.)

Shet! Alien language ba ito?! Grabe, natatawa na lang ako ngayon na naalala ko kung paano ako magreact sa mga replay nila. Haha. Pinapatranslate ko pa yang message na yan sa kasama ko na gumagamit din. Nakakaloka talaga!

Pero may maganda din namang naidulot ito (ayoko lang nakakbasa ng ganito araw-araw -_-). Bilang isang programmer, magandang gamitin ito sa mga passwords or gamiting encryption key para sa mga secured na data. Kasi mahirap idecrypt dahil mas maraming combination possibilities.

Hay… Parang hindi ko din naman nasagot ung tanong ko. Haha. Nawala sa isip ko ung ibang kuro. Nabwisit kasi ako at biglang namatay ung aircon. Yun pala nasira ung breaker. -_- Ang ineet!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s